GMA Logo Alden Richards, Coach Jay, Rayver Cruz
Photo source: gmaregionaltv (IG)
What's Hot

Netizens, excited sa bagong season ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published January 21, 2026 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards, Coach Jay, Rayver Cruz


Muling umarangkada ang excitement ng Dance Universe matapos ianunsyo ang pagbabalik ng 'Stars on the Floor.'

Opisyal nang inanunsyo ang pagbabalik ng biggest dance collab, ang season 2 ng Stars on the Floor noong January 15.

Muling paiinitin ng bagong collab of stars ang dance floor dahil ngayon ay magsasama-sama ang celebrity dance stars at P-pop dance stars para sa level-up na COLLABanan sa sayawan.

Maliban sa pagbabalik ng paboritong Saturday show ng Dance Universe, inanunsyo rin ang bagong miyembro ng dance authority na si King of the Dance Floor Rayver Cruz.

Kasama ni Rayver sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay sa dance authority lineup.

Nagbabalik din bilang host si Asia's Multimedia Star Alden Richards, na mas bibigyang kulay ang naturang programa.

Bilang isa sa mga pinaka-much loved na programa tuwing Sabado, ramdam ang saya at sabik ng mga netizen dahil panibagong maangas na galawan na naman ang kanilang matutunghayan.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa Stars on the Floor 2026:

Noong season 1, celebrity dance stars at digital dance stars ang nagpaapoy sa dance floor. Kabilang sa celebrity dance stars sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, at VXON member Patrick. Samantala, sina Dasuri Choi, Zeus Collins, Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kakai Almeda naman ang digital dance stars.

Sina Rodjun at Dasuri ang itinanghal bilang ultimate dance star duo ng season 1.

Abangan ang Stars on the Floor 2026 simula March 2 sa GMA!

Samantala, balikan dito ang finale ng season 1 ng Stars on the Floor: