
Marami ang na-excite sa bagong teaser na inilabas ng GMA Network para sa pinakamalaki nitong suspenserye ngayong taon, ang Royal Blood.
Ang action-packed family drama ay pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos.
Ipinakikilala si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras, at Arthur Solinap. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.
Sa murder mystery drama, makikilala si Dingdong bilang Napoy, illegitimate child ng isang business tycoon at isang mapagmahal na single father na nagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging pangunahing suspek siya sa pagkamatay ng ama.
Sa unang 30-second teaser ng Royal Blood, mapapanood sina Kristoff (Mikael), Beatrice (Lianne), Margaret (Rhian), at Napoy (Dingdong) sa loob ng interrogation room, na isa-isang nagbibigay ng testimonya kung bakit hindi sila ang pumatay sa amang si Gustavo Royales (Tirso). Pero kapansin-pansin sa kanilang mga sagot ang kanya-kanyang galit para sa ama.
Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang teaser na ito ng Royal Blood tulad ng "Exciting," "Can't wait," "Mamomroblema na naman ako nito kung sino ang pumatay."
Parang sequel ng Widows Web, for sure mapapaisip na naman tayo sa kakahula kung sino ang pumatay hahaha
-- Quervin G. Yaldua (@pilyongkerbin) June 2, 2023
Mukhang kaabang2 ahhh. Cno nga kaya sa kanila? Ahihi🤣😛
-- EliE O. DG (@eeodeguzman) June 2, 2023
Pustahan si Dingdong ang totoong pumatay??? #RoyalBlood https://t.co/ImXbtU9KXD
-- Slade Wilson (@r0n_voyage) June 2, 2023
Widow's Web Vibes!! Sobrang INTENSE nito for sure!! #RoyalBlood https://t.co/tMFZ0m5X9t
-- Donya Pashnea🤬 (@kaPUSOguardian) June 2, 2023
Abangan ang Royal Blood ngayong June 19 sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: