
Kung bibigyan kayo ni Betsy (Kazel Kinouchi) sa My Father's Wife ng chance na mag-isip ng kanilang wedding hashtag ni Robert (Gabby Concepcion), ano kayo ang masu-suggest n'yo?
Full force na ang GMA Entertainment Group sa pag-promote ng upcoming episode ng My Father's Wife ngayong Biyernes (July 25) dahil mangyayari na ang kasal nina Betsy at Robert.
Bukod sa online poster na “Save the Date” na inilabas sa iba't ibang social media pages, nagkaroon ng crowdsourcing sa TikTok page ng GMA Network kung saan binigyan ng chance ang mga netizen na mag-suggest ng wedding hashtag for the big wedding sa My Father's Wife.
Ano kaya sa mga ito ang bet n'yo?
1BA ANG UNA! Kaya manood na ng My Father's Wife tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED CONTENT: Taping with the star-studded cast of My Father's Wife