
Naaliw ang fans ng hit GMA Prime series na The Master Cutter sa naging reaksyon ng Sparkle actress na si Shuvee Etrata sa death scene niya sa high-rating GMA Prime series.
Sa social media pages ng GMA Network at GMA Drama, maraming netizens ang namangha sa face card ng karakter ni Shuvee na si Tonet habang nasa kabaong.
Ayon sa komento ng netizens, angat pa rin ang ganda ni Netchai.
Napa-comment din si Shuvee sa naturang post at biro pa niya, “The glam survived. I didn't.”
Matapos ang exit ni Shuvee Etrata sa The Master Cutter, naglabas siya ng saloobin sa 24 Oras Weekend tungkol sa pagtatapos ng journey niya bilang si Tonet.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nalungkot. Aniya, “Sorry po kung nasaktan namin kayo and if Tonet's journey has to end like that.”
Sumunod na sinabi ng Kapuso actress, “Pero may napapanood din nga ako na mga Kapuso natin na necessary din 'yung pagkamatay ni Tonet para ma-open pa ang mga character arcs or ['yung] iba't ibang dimension ng mga character ng The Master Cutter.”
“Ilang araw din po akong umiyak. Pero ganun po talaga ang buhay may nawawala, may babalik, may darating na bago, hindi natin alam kung sino ang darating. Pero abangan n'yo,”
Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
RELATED GALLERY: Celebrities na pumayag na mailagay sa kabaong