
Sa nalalapit na finale ng Stars on the Floor, tila hindi pa handa ang netizens at ang buong Dance Universe na magpaalam sa kanilang paboritong show tuwing Sabado.
Sa social media ng programa, ibinahagi ng viewers na nakakaramdam na sila ng lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng Stars on the Floor, dahil isa ito sa mga palabas na nagbibigay saya sa kanila.
Dahil malapit na magtapos ang programa, hiling ng Dance Universe na magkaroon ito ng Season 2.
Nagbigay rin ng papuri at pagbati ang netizens dahil sa patuloy na pagiging number one Saturday show ng programa.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa nalalapit na finale ng Stars on the Floor:
Nanalo ang Stars on the Floor bilang isa sa mga national winners ng Best Music and Dance Programme sa 2025 Asian Academy of Creative Arts.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA. Abangan ang ultimate dance showdown ngayong October 18!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: