
Ramdam na ang excitement at takot ng netizens matapos mapanood ang unang pasilip ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.
Sa paglabas pa lamang ng teaser drop, hindi na maitago ng fans ang kanilang reaksyon sa ilang nakakakilabot na eksena.
Marami rin ang humanga sa kakaibang cinematography ng pelikula, lalo na sa creative na pagbaliktad ng ilang clips sa video.
Mas lalo pang naging sabik ang mga manonood nang masilayan ang mga karakter na ginagampanan ng kanilang mga paboritong artista.
"Ginalingan nanaman GMA Pictures tara na magtakutan!" ani ng isang fan.
"'Yung binaliktad mo yung phone mo para mapanood ng mabuti 'yung trailer, tapos binaliktad uli," dagdag pa ng isa.
"Kahit takot ako kakayanin for kish," komento ng isang netizen.
"Teaser palang ginalingan! 'Yung sigaw ni Sofia madadala ka eh sa takot! Letss Go Team Jolly ! exciting," papuri ng isa.
Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin, coming soon sa cinemas ngayong Summer 2026.
Ito ay handog ng GMA Pictures at Mentorque Productions sa direksyon ni Frasco Mortiz at sulat ni Ays de Guzman.
Tampok sa pelikula ang star-studded cast na sina Allen Ansay, Sofia Pablo, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Kira Balinger, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, at Anthony Constantino.
Samantala, silipin ang pagbisita nina Allen Ansay, Sean Lucas, Charlie Fleming, at Anthony Constantino sa Dinagyang Festival 2026, dito: