GMA Logo Ken Chan in Ang Dalawang Ikaw
What's on TV

Netizens, humanga sa teaser ng 'Ang Dalawang Ikaw' ni Ken Chan

By Aedrianne Acar
Published March 6, 2021 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan in Ang Dalawang Ikaw


Abangan ang premiere episode ng 'Ang Dalawang Ikaw' soon sa GMA Afternoon Prime!

Teaser pa lang ay kaabang-abang na ang susunod na serye na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela na Ang Dalawang Ikaw.

Ang naturang serye ay tatalakay sa buhay ng karakter ni Nelson na dumaranas ng multiple personality disorder.

Sa Instagram post ni Ken, may pasilip na siya sa mga mangyayari sab ago ninyong kahuhumalingan sa hapon.

Aniya, “Dito sa Pilipinas karamihan sa atin ay hindi pa ganun kalawak ang kaalaman kung ano ba nga ba talaga ang ibig sabihin ng “Dissociative Identity Disorder” o mas alam natin sa tawag na “Multiple Personality Disorder”.

“Napakagaling ng ginawa ng @gmanetwork dahil sa paglikha ng isang serye na ipapakita at ipapaintindi sa atin ang buhay ng mga taong mayroong DID.

“Malapit niyo nang mapanood ang ANG DALAWANG IKAW sa GMA Afternoon Prime directed by @jorronmonroy.”

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Sunud-sunod agad ang papuri na natanggap ni Ken sa mga netizen na makita ang pagganap niya sa teaser ng Ang Dalawang Ikaw.

Makakasama din nina Ken at Rita sa bagong show sina Anna Vicente, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Dominic Rocco.

Tunghayan ang mga ilang eksena sa lock-in taping bagong afternoon drama series na Ang Dalawang Ikaw sa gallery below.