GMA Logo GMA 2022
What's Hot

Netizens, ibinahagi ang kanilang excitement sa mga bagong programa ng GMA ngayong 2022!

By Dianne Mariano
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated January 1, 2022 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

GMA 2022


Matapos ipalabas ang GMA Network 2022 offerings video, ibinahagi ng netizens ang kanilang excitement para sa iba't ibang programang hatid ng Kapuso Network.

Ngayong 2022, masusubaybayan ng mga manonood ang pinakabago at pinakamalalaking mga programang hatid ng GMA Network.

Mga kuwento tungkol sa pag-ibig, pamilya, buhay, at marami pang iba ang masisilayan sa GMA Afternoon Prime, GMA Telebabad, Heart of Asia, at GTV ngayong taon.

Matapos ipalabas ang 12-minute video na ito sa social media pages ng GMA Network, ibinahagi online ng mga tao ang kani-kanilang opinyon at excitement tungkol sa kaabang-abang na shows na ito.

Masayang pagbabahagi ni Domingo Ranca, “Pasabog ang mga programa ng GMA!!! THE BEST TALAGA PROUD TO BE KAPUSO (heart emoji).”

Gano'n din ang naging reaksyon ni Camille Angelu Corpuz at sinabi, “Super excited for this GMA. Thank you for making us happy. Bagong taon, bagong aabangan.”

Ang ilan naman sa netizens ay nagbahagi ng kanilang inaabangan na pinakabagong series sa GMA-7. Isa na rito ay si Elwin Abarro na labis ang excitement sa new offerings ng Kapuso Network gaya ng Sang'gre at Voltes V: Legacy.

Aniya, “Wow! Kaabang-abang lahat ng new offering ng GMA lalo na ang Sang'gre at Voltes V: Legacy. Sobra nae-excite na ako this 2022! A great treat to all Kapuso viewers!”

“Wow!! Masigabong palakpakan na may kasamang hiyawan!! Sang'gre at Voltes V[: Legacy] woohoo! Proud to be Kapuso!!” ani din ni Charles Singson.

Pinuri naman ni Sports Access ang GMA dahil sa angking kagandahan at orihinal na konsepto ng mga programa nito.

Sulat niya, “The best talaga GMA ang gaganda ng mga drama plus original pa at ang ganda ng concept pero mas naexcite ako sa Sang'gre, Voltes V: Legacy, and RunningMan PH. So excited na talaga.”

Tutukan ang pinakabago at pinakamalalaking handog ng GMA-7 ngayong 2022, mga Kapuso!

Samantala, muling balikan ang iba't ibang GMA Afternoon Prime characters na minahal ng marami noong 2021 sa gallery na ito.