
Isang heartwarming na eksena ang napanood sa GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance nitong Miyerkules (January 8).
Ipinakita sa nakaraang episode ang emotional reunion nina Inna (Kate Valdez) at Nono (Seth Dela Cruz) sa kanilang ama na si Tony Villarazon (Ariel Rivera). Matatandaan na habang nakasakay sa kotse ay nakita ni Nono ang kanyang ama sa labas at hindi niya napigilan ang kanyang sarili na lumabas para habulin ito.
Nang paparating ang isang kotse ay iniligtas ni Tony ang kanyang anak sa daan at labis ang gulat ni Inna nang makitang buhay ang kanilang ama. Sa pag-uusap ng mag-ama, humingi ng tawad si Tony sa kanyang mga anak dahil iniwan niya ang mga ito kay Lani (Glydel) na nagpahirap sa kanila.
Sa Facebook page ng GMA Drama, umani ang eksenang ito ng mahigit one million views at marami ang natutuwa sa reunion ng pamilya Villarazon.
Samantala, isang pasabog ang naghihintay kina Inna sa upcoming episode ng Shining Inheritance.
Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Shining Inheritance, 3:20 p.m, sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.