
Isang araw na lang at mapapanood na ng mga Kababol ang hinandang sorpresa ng Bubble Gang barkada para sa kanilang grand relaunch sa Biyernes, May 27.
Isa sa mga inaabangan sa special episode na ito ng multi-awarded Kapuso gag show ang guesting ng Tsismosang Marites sa TikTok played by content creator Justine Luzares.
Sa Facebook post ni Justine, ramdam na ang excitement hindi lamang niya kundi pati ng kanyang fans na makita siya na nakikipagkulitan kasama ang Kababol barkada.
Justine Luzares (FB)
Umaarangkada ang career ni Justine ngayon. Napapanood din siya sa longest-running noontime show na Eat Bulaga at may guesting din siya soon sa high-rating game show na Family Feud hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Kung excited na kayo sa Bubble Gang relaunch, mas magiging kapana-panabik ang panonood n'yo linggo-linggo with our new Kababol barkada!
Kialanin ang newest cast members sa gallery na ito: