GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Netizens, ipinagbunyi ang sa pagtatapat ni Fidel kay Klay sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published December 21, 2022 6:57 PM PHT
Updated December 22, 2022 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Top trending topic ang much-awaited love confession ni Fidel kay Klay sa 'Maria Clara at Ibarra.' But wait, there's more!

Naglalayag na ang FiLay or tambalang Fidel (David Licauco) at Klay (Barbie Forteza) sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa episode noong Martes, December 20, nagtapat na ng pag-ibig si Fidel kay Klay.

"Binibining Klay, tinatangi kita. Iniibig kita, Binibining Klay," lahad ni Fidel bilang bahagi ng kanyang love confession.

Nagulat naman si Klay at hindi alam ang isasagot sa binata kaya tinangka nitong tumakas mula sa kanilang usapan.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Lubos na ikinatuwa ng netizens ang love confession, lalo na at batid ng marami ang magadang chemistry sa pagitan ng dalawang karakter.

Naging top trending topic pa sa Twitter Philippines and official hashtag ng episode na #MCIIniibigKita.

Top trending topic on Twitter Philippines

Aliw na aliw ang ilan dahil napaka "on brand" ng naging love confession.

Talagang nagdala ng kilig ang eksena sa mga manonood.

May gumawa pa ng fan art para kina Klay at Fidel.

Ayon naman sa kulitan nina David at Barbie online, dapat daw abangan sa episode ngayong gabi, December 21, ang sagot ni Klay kay Fidel.

Panoorin ang pag-amin ni Fidel kay Klay dito.

Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG CELEBRITY PAIRINGS NA NAGPAKILIG NGAYONG 2022: