GMA Logo Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso
What's on TV

Netizens, kilig na kilig kina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso sa 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published June 2, 2021 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Classes, work suspended in Sultan Kudarat due to series of quakes
Marcos placed under medical observation after experiencing discomfort — Palace
Powerhouse matchups headline NCAA Season 101 Women's Volleyball Tournament opening day

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso


Kung dati'y parang aso at pusa sina Nina at Jonas, ngayon ay nagkaaminan na sila ng feelings para sa isa't isa!

Hindi lang sina Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang nagpapakilig sa First Yaya! Patok na patok din kasi sa netizens ang blooming relationship nina Nina (Cassy Legaspi) at Jonas (Joaquin Domagoso).

Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso

Maaalalang hindi naging maayos ang unang pagkikita nina Nina at Jonas. Pinagbintangan kasi noon ni Nina na manyakis ang huli at nagsumbong pa si dean ng kanilang paaralan:

Kung dati'y tila aso't pusa ang dalawa kapag nagkakainisan, tila nagbago ang ihip ng hangin ngayon. Unti-unti nilang nakilala ang isa't isa hanggang sa nagkamabutihan sila at nagkaaminan ng kanilang tunay na nararamdaman:

Na-hook ang netizens sa pag-develop ng love story nina Nina at Jonas, at hindi nila mapigil ang kanilang kilig at tuwa.

Komento ng isang netizen na may ngalang Maya sa YouTube, “Hu! Kinikilig talaga ako kay Nina at Jonas. Sana marami pa silang maging moment. Iba din yung chemistry eh.”

Netizens comments

Supportive din ang ilan sa love team nina Cassy at Joaquin. Hiling nila ay mabigyan pa ang dalawang Kapuso stars ng ibang projects at sana'y magiging totohanan din ang kanilang pagtitinginan.

Netizens comments

Kinikilig ka rin ba kina Nina at Jonas? Tutok na sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M.

Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.

Kilalanin ang characters ng modern-day fairy-tale story na ito sa gallery sa ibaba: