
Kinaaaliwan ngayon ang bagong meme ni Ronnie Henares bilang ang kontrabidang si Doctor Octopus ng Spider-Man.
Nitong Huwebes, ibinahagi ni Ronnie sa Instagram ang larawang nakita ng kanyang anak sa social media kung saan may nag-edit ng mukha ni Doctor Octopus at inilagay ang mukha ng Kapuso actor.
Trending kamakailan ang trailer ng upcoming movie na Spider-Man: No Way Home, na makikita ang pagbabalik ng kontrabidang si Doctor Octopus na ginagampanan ng British actor na si Alfred Molina.
Ipinapakita sa larawan ang eksena kung saan binanggit ni Doctor Octopus ang linyang "Hello, Peter," nang muli silang magkita ni Spider-Man. Pinalitan naman ito ng "Pepiter, my friend," na hango sa sikat na linya ni Ronnie bilang si Tommy sa Pepito Manaloto na, "Pepito, my friend!"
Caption pa ng aktor, "Look what my son found on the net? Who do I thank for this? It's ssooo cool!"
Hindi naman nagpahuli sa pagsuporta ang co-star ni Ronnie sa 'Pepito Manaloto' na si Michael V, at sinabing, "Welcome to the MULTIVERSE!"
Agad naman itong sinagot ni Ronnie, "hahaha oo nga... I seem to be going places! Hehe."
Maging ang netizens ay hindi nagpahuli sa pagbabahagi ng kanilang suporta.
"Miss na namin pangungutang ni Mang Tommy. Sana maibalik ulit ang 'Pepito Manaloto: Tunay na Kuwento,'" pagbabahagi ni @jmgonzales95.
"This is so funny!" sabi naman ni @matthenares.
"Tommy and the MULTIVERSE," dagdag pa ni @themayorph_gaming."Kahit sa Multiverse si Mang Tommy nangungutang pa rin," biro ni @sora.steven.
Sa Pepito Manaloto, ginagampanan ni Ronnie ang karakter ni Tommy na isang financial analyst na palaging nanlalamang sa kapwa.
Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang behind-the-scenes ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento: