
Inilabas ng GMA noong November 25 online ang teaser ng bagong palabas na mapapanood sa Kapuso Network.
Sampung segundo lang ang haba ng nasabing teaser na may mga salitang "May mauunang lumipad" at may graphics na kapa na tila isang superhero.
Ayon sa video, magaganap ang big reveal sa Bagong Taon 2022.
Ibinahagi ng netizens ang kani-kanilang haka-haka tungkol sa bagong Kapuso show.
Hula ng karamihan, magkakaroon ng bagong fantasy superhero ang Network.
Ano man hinala ng netizens, nangingibabaw ang kanilang excitement sa pagpapalabas ng bagong proyektong ito ng GMA.
Para malaman kung ano ang big announcement, manatiling nakatutok sa GMA-7 at bumisita sa GMANetwork.com.