
Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle beauty na si Sanya Lopez ang ilang behind the scenes ng kaniyang pakikipaglaban sa mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja.
Makikita sa naturang video kung gaano kagaling ang Kapuso actress pagdating sa 'stick fighting.'
Patunay ito na talagang nakatakda siya upang gampanan ang role ng legendary warrior queen na si Urduja.
Samantala, sa comments section ay pinaulanan ng papuri si Sanya dahil sa kaniyang nakakabighaning ganda habang suot ang kaniyang sexy costume bilang si Hara Urduja.
“A literal goddess! Your undying beauty always leaves me speechless my queen Sanya. Another unforgettable character being added on the most iconic characters to ever exist in the world portrayed by the one and only SANYA LOPEZ,” ani @itsmeyvonne_23.
“Ang ganda mo naman Hara Urduja,” komento ni @juls_amoyan_abraham.
Sa episode mamaya, mapapanood ang paghahanda ni Hara Urduja (Sanya Lopez) para sa nalalapit na paghaharap nila ng kaniyang kalaban na si Khatun Khublun (Faith Da Silva).
Malalaman na rin ni Onyx (Vin Abrenica) ang koneksyon nina Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia) kay Iris Dayanghirang (Sunshine Dizon)!
Tutukan ang kanilang mga intense na eksena mamaya sa Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
ALAMIN ANG KAPANGYARIHAN NG PITONG HIYAS NI HARA URDUJA SA GALLERY NA ITO: