
Ilang netizens ang nalito nang ibahagi ng Sunday PinaSaya star na si Jerald Napoles ang kanyang larawan dati.
Sa Instagram, pinost ni Jerald ang larawan niya noong may mahaba pa siyang buhok.
"8 years ago.. haha ansabeh?? Umaatikabong aksyown!" sulat niya sa caption.
May ilang netizens naman ang nalito. Akala nila, si Carlo Aquino ang nasa picture.
Sabi naman ng isa, si Richard Gutierrez!