What's on TV

Netizens, napansin ang onscreen chemistry nina David Licauco at Shaira Diaz sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan
Published July 23, 2018 4:10 PM PHT
Updated July 23, 2018 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Tinutukan ng Kapuso viewers ang 'Magpakailanman' episode noong Sabado, July 21, na pinagbidahan nina David Licauco at Shaira Diaz. 

Tinutukan ng Kapuso viewers ang Magpakailanman episode noong Sabado, July 21, na pinagbidahan nina David Licauco at Shaira Diaz. Sa katunayan, nanguna pa ito sa trending topics ng Twitter Philippines.

Gumanap sina David at Shaira bilang Aron at Lisa, isang Chinese at isang Pinay na nagmamahalan pero pilit na pinaghiwalay dahil sa kanilang lahi at tradisyon.

 

Naudlot man ang kanilang pagmamahalan, pilit silang pinagtagpo ng tadhana nang manilbihan si Lisa sa bahay nina Aron at ng kanyang asawa.

 

Nakitaan naman ng chemistry ang dalawa base sa tweets ng netizens. Marami ang kinilig at bumilib sa pag-arte nina David at Shaira, na mapapanood din sa pelikulang 'Because I Love You.'