GMA Logo Zephanie at Miggs Cuaderno
What's on TV

Netizens, natuwa sa friendship ng mga karakter nina Zephanie at Miggs Cuaderno sa 'Born to Shine'

Published March 31, 2026 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie at Miggs Cuaderno


Umani ng positive comments ang pagkakaibigan ng mga karakter nina Zephanie at Miggs Cuaderno sa 'Born to Shine.'

Marami ang natutuwa sa ipinakitang friendship nina Jeni at Basha, mga karakter nina Zephanie at Miggs Cuaderno sa GMA Afternoon Prime musical-drama series na Born To Shine.

Sa ikatlong episode ng musical drama series, napagalitan si Jeni ng kaniyang ina na si Minchie (Manilyn Reynes) dahil sa kagustuhan nitong panoorin ang girl group na NIXI. Ayaw kasi ng kaniyang ina na matulad si Jeni sa kaniya; na mahumaling sa pagkanta at mapunta sa wala ang buhay.

Kaya naman, para suportahan at pagaanin ang loob ni Jeni, sinamahan siya ng kaibigang si Basha. Matapos ilabas ni Jeni ang saloobin sa kaibigan, hindi na nito napigilang umiyak, dahilan para yakapin siya ni Basha.

Sa social media sites, partikular na sa TikTok, puno ng positibong komento ang pagkakaibigan nina Jeni at Basha. Sabi pa nga ng isang netizen, gusto niya ang friendship sa pagitan ng dalawa.

“Love this kind of friendship and yes, Jeni we got you, maraming nakakarelate sayo ” sabi sa komento.

KILALANIN ANG CELEBRITY BFFS IN REAL LIFE SA GALLERY NA ITO:

Sa isa pang video ng eksena kung saan ipinapahayag ni Basha ang suporta niya kay Jeni, ilang netizen naman ang nakapansin kung gaano ka-cute ang pagkakaibigan nila.

“Ang cute nila hahaha may new favorite besties na akoooo ” sabi ng isang netizen.

Saad naman ng isa pang nagkomento, “Team Basha and Jennie ako hahahahah.”

Samantala, ilang netizen naman ang nakapansin ng chemistry nina Zephanie at Miggs sa kanilang mga eksena. Saad pa ng ilang netizen, bagay ang dalawang aktor.

“Ang kyut .. in fairness bagay dn cla