
Like father, like daughter.
Aprubado ng Bubble Gang fans ang guesting ng anak ng seasoned comedian at creative director na si Michael V. last Friday night.
Napanood sa “Makulit na Kuya Rider” sketch sa award-winning gag show ang singer na si Brianna Bunagan.
Makikita sa comments section sa YouTube video na maraming napabilib kay Brianna na natural lang sa eksena kasama ang kanyang Tatay Bitoy.
Panoorin ang funny scenes nina Michael V. at Brianna Bunagan sa Bubble Gang sa video sa itaas. Maaari n'yo rin itong mapanood DITO.
At kung hanap n'yo ang nakaka-good vibes na tawanan, heto pa ang ilang funny gags at sketches sa flagship comedy program na tinutukan last October 30.
Related content:
WATCH: Misis ni Michael V., may cameo role sa 'Pepito Manaloto'
Bunagan fambam, magbibigay good vibes sa 'Bubble Gang!'