
Agaw pansin ang cute photo ng anak ni Buboy Villar na si George Michael sa Instagram.
Makikita sa social media page ng “The Funny Juan” ng Running Man Philippines ang bonding moment nila ng kaniyang bunsong anak.
Sa caption, tinawag pa ni Buboy si George na “Little Drummer Boy.”
Bumuhos naman ang komento ng netizens sa Instagram post na ito ng Kapuso comedian at vlogger na lahat ay naku-kyutan sa kaniyang baby boy.
Isinilang ng ex-partner ni Buboy na si Angillyn Gorens si George Michael taong 2019 at ang kanilang panganay naman na si Vlanz Karollyn noong 2017.
KILALANIN SI ANGILLYN GORENS SA GALLERY NA ITO: