
Umani ng papuri si Miguel Tanfelix dahil sa kanyang pagganap bilang Diego sa hit teleseryeng Kambal, Karibal.
Ipinamalas niya ang kanyang pagiging dramatic actor sa mga nakaraang episode ng serye kung saan nagkalamat ang kanilang relasyon ni Crisan na ginagampanan ni Bianca Umali.
Ayon sa mga netizens, nag-improve daw ang acting skills ng aktor at maaaring makakuha ng acting award.
Narito ang kanilang mga tweets:
Nagpasalamat naman si Miguel sa lahat ng tumutok sa serye kagabi, May 24.
Salamat sa lahat ng nanuod ngayong gabi. #KKBetrayal
— Miguel Tanfelix (@MiguelTanfelix_) May 24, 2018