GMA Logo Caprice Cayetano
Courtesy: GMA Network, PSD
What's Hot

Netizens react as Caprice Cayetano drops out of PBB Gift of Immunity race

By EJ Chua
Published December 17, 2025 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga vendor sa Baguio City Public Market, tutol sa planong ayusin ang pamilihan na maaaring mauwi sa ‘mallification’
DA 6: Supply of meat ample a week to Christmas Day
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


PBB 2.0 viewers sa pagkalaglag ni Caprice Cayetano sa Gift of Immunity Challenge: “Ilalaban ka namin!"

Umani ng iba't ibang reaksyon ang latest update tungkol kay Caprice Cayetano na isa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates.

Related: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, nasaksihan ang paglaban ni Caprice para sa Gift of Immunity ngunit bigo siyang makuha ito.

Si Caprice ang nakakuha ng pinakamababang score habang si Heath naman ang nanguna sa challenge.

Sa confession room, inilahad ng Sparkle artist ang kanyang naramdaman matapos siyang malaglag sa Gift of Immunity race.

Emosyonal na sinabi ni Caprice, “Kuya baka may mas magandang plano po para sa akin si Lord.”

“Ayoko po talagang umalis dito sa bahay n'yo Kuya. Gusto ko pa pong magstay dito Kuya. At saka ginagawa ko po talaga 'yung best ko sa lahat… Gusto ko pa pong mas marami pa pong matutuhan.”

@gmanetwork #KapusoFeels: "Ang lakas para lumaban, tandaan mo, ay magsisimula sa iyo." - Kuya ✨ #CapriceCayetano Watch #GMAPBBCollab ♬ original sound - GMA Network

Ayon sa ilang netizens, hanga sila sa pagiging mabuti ni Caprice at sa determinasyon na ipinapakita niya sa bawat hamon sa loob ng iconic house.

Karamihan naman sa kanila ay nagsabing, “Ilalaban ka namin Caprice.”

Ano kaya ang susunod na ibabalita, twists at sorpresa ni Kuya sa Kabataang Pinoy housemates?

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa PBB All-Access Livestream.

Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?

Sagutan ang polls sa ibaba: