
Humakot ng positive comments at reactions online ang bagong videos ng Kapuso actor na si Mike Tan.
Marami ang nakapansin sa mala-Korean looks ni Mike sa naturang clips na in-upload niya sa kanyang TikTok account.
@aymiketan Ikaw lagi ang nasa isip 😊 #FYP #fypシ #trending #foryou #foryoupage ♬ original sound - 𝓔𝓷 👤
Ayon sa netizens at fans ng House of Lies lead actor, napakalaki ng pagkakahawig niya sa kilalang Korean actor na si Park Hae Jin.
Si Park Hae Jin ay kilala sa hit Korean drama series na My Love from the Star (2013), Doctor Stranger (2014), Bad Guys (2014), at marami pang iba.
Related gallery: Pinoy celebs and their Korean star look-alikes
Samantala, si Mike ay napapanood sa intense drama na House of Lies, kung saan co-lead stars niya sina Beauty Gonzalez, Martin del Rosario, at Kris Bernal.
Kilala siya sa serye bilang si Paolo, ang isa sa miyembro ng pamilya Torrecampo na asawa ni Marj (Beauty Gonzalez) at ama ni Jasmine (Kayla Davies).
Subaybayan si Mike Tan sa House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.