
“Gastos ay paparating. Piso ay pababa.”
Mukhang hindi lamang tatamaan ang ating mga bulsa sa bagong parody ng award-winning comedian na si Michael V. dahil sigurado mapapa-'O-Ber sa Tawa at O-Ber sa Saya' tayo lahat ngayong Sunday night.
May pasilip na ang Bubble Gang pioneer sa kanyang latest masterpiece na sobrang napapanahon.
Panay din ang pag-comment at pag-share ng mga Batang Bubble na hinihintay na mapanood ang debut nito sa pambansang comedy show ngayong September 20.
Ilan sa mga OPM artists na ginawan ng parody ni Bitoy ay ang P-pop girl group na BINI at mga banda na SunKissed Lola, Dilaw, at Lola Amour.
RELATED CONTENT: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to