
Unang pasabog pa lang, panalo na!
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa bagong action-drama series na Never Say Die.
Nakapagtala ang pilot episode nito ng combined 7.1 rating sa GMA at GTV, ayon sa Nielsen Philippines.
Mas mataas ito kaysa sa 3.8 combined ratings ng kasabay na programa.
Maaksiyon agad ang unang episode ng serye kung saan na-involve sa car chase at shoot out ang investigative journalist na si Andrew (David Licauco), pati na ang vlogger na si Joey (Jillian Ward).
Dito rin nakita ang magkasalungat nilang pananaw tungkol sa kapulisan at iba pang taong nasa kapangyarihan.
Sa pangalawang episode, may mauungkat si Andrew sa kanyang imbestigasyon, habang magiging eye witness naman si Joey sa isang malamig na krimen.
Patuloy na panoorin ang Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.