GMA Logo Nevin Garceniego in the voice kids
What's on TV

Nevin Garceniego, sinorpresa ang 'The Voice Kids' coaches

By Jansen Ramos
Published September 15, 2025 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Nevin Garceniego in the voice kids


Nagkunwaring kasali sa blind auditions ang 'The Voice Kids' reigning champion na si Nevin Adam Garceniego para sorpresahin ang coaches sa bagong season ng singing competition.

Bumalik sa The Voice Kids stage ang reigning champion ng singing competition na si Nevin Adam Garceniego para sorpresahin ang coaches sa pagbubukas ng bagong season nito noong Linggo, September 14.

Nagkunwaring kasali sa blind auditions si Nevin na kinanta ang kanyang winning piece na "May Bukas Pa."

Napansin din agad ni coach Julie Anne San Jose na pamilyar ang boses nang kumakanta, bagay na sinang-ayunan ni coach Billy Crawford.

Inikot nila ang kanilang upuan, kasama ang mga bagong coach na sina Zack Tabudlo at Paolo at Miguel ng bandang Ben&Ben na sabay ding humarap para kay Nevin.

Pinuri rin ng new coaches ang kiddie singing idol dahil sa kanyang mahusay na performance.

Samantala, nagbigay ng advice si Nevin sa mga sumali at sasali sa The Voice Kids. Aniya, "Unang-una po, i-enjoy lang nila yung journey nila sa The Voice Kids and make new friends."

Mapapanood ang The Voice Kids tuwing Linggo, 7:00 p.m. pagkatapos ng Bubble Gang sa GMA at Kapuso Stream.

BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NI NEVIN GARCENIEGO SA THE VOICE KIDS SA GALLERY NA ITO: