GMA Logo Wolfblood
What's Hot

New episodes ng 'Wolfblood' mapapanood na ngayong November sa GMA-7!

By Bianca Geli
Published October 19, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - MMDA traffic monitoring (August 17, 2026) | GMA News
Young delegates vie for Little Miss & Miss Teen Universe 2026 crowns
P16M alleged smuggled cigarettes seized in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News

Wolfblood


Abangan ang pagbabalik ng 'Wolfblood' ngayong November!

Sa bagong episodes ng Wolfblood nilisan na ni Maddy (Aimee Kelly) at ng kanyang pamilya ang Stoneybridge para maitago ang kanilang sikreto.

Labis naman ang kalungkutan ni Rhydian (Bobby Lockwood) at ang kanyang mga human friends na sina Tom (Kedar Williams-Stirling) at Shannon (Louisa Connolly-Burnham) na maiiwan sa Stoneybridge.

Pero wala pa rin silang takas sa peligro dahil sa pagbabalik ni Dr. Rebecca Whitewood (Letty Butler) na naghahanap pa rin ng patunay na totoo ang mga werewolves.

Bukod dito, ang pagbalik ng nawalay na ama ni Rhydian ay may katumbas na mga problema para sa kanya. Matutuklasan ni Rhydian na ang mga inakala niyang kaibigan ay mga tuso pala na may masamang balak sa kanya.

Abangan ang panibagong season ng Wolfblood, simula November 1, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 A.M. sa GMA-7!