
May new look ang new gen Sang'gres na sina Deia (Angel Guardian), Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa ika-152 episode ng Sang'gre noong Martes (January 13), nagkaroon ng solo moments ang mga Sang'gre kung saan na-highilght ang kanilang new look at hairstyle matapos na magtagumpay na malinis ang kanilang puso at kaisipan laban sa tukso ng Itim na Bathala na si Gargan (Tom Rodriguez).
Kasalukuyang mayroong 2.5 million views sa Facebook ang clip na ito ng new look ng new gen Sang'gres. Umani rin ito ng mahigit 65,000 reactions, 1,100 comments, at 1,000 shares.
Basahin ang ilan sa aliw at nakakatuwang komento ng netizens dito:
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN SA MGA DAPAT ABANGAN SA SANG'GRE NGAYONG LINGGO: