
Ini-reveal na ang look ng bagong poster ng mystery-family drama series na The Secrets of Hotel 88.
Ipinakita ito sa cast, members ng press, at maging sa online viewers sa katatapos lang na mid-season media conference ng serye.
Related gallery: PBB collab ex-housemates reunite for the mid-season media conference of The Secrets of Hotel 88
Makikita rito sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Will Ashley, Ralph De Leon, AZ Martinez, Dustin Yu, Bianca De Vera, Josh Ford, Kira Balinger, River Joseph, Esnyr, Klarisse De Guzman, at Xyriel Manabat.
Ang cast members ay pare-parehong ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Samantala, inilahad sa mismong event na talaga namang mas mabibigat pang eksena ang dapat abangan ng mga manonood.
Ayon kay Bianca, marami pang action-packed na mga eksena ang matutunghayan dito.
Pahapyaw naman ni Esnyr, hindi pa raw nauubos ang mga eksena niya sa serye at mayroon pang dapat abangan sa kuwento, “There's so much more. I can't wait na mapanood po nila [ng viewers] 'yung iba ko pa pong mga eksena.”
Patuloy na tumutok at subaybayan ang bawat karakter sa collab series na The Secrets of Hotel 88.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Mapapanood din ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream at napapanood na rin ang serye sa iWant TV.