GMA Logo Bida Kids on Centerstage
What's on TV

New set of Bida Kids battle it out on 'Centerstage'

By Dianara Alegre
Published February 28, 2020 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Bida Kids on Centerstage


Catch the new set of Bida Kids as they outshine each other on 'Centerstage' this Sunday!

Si Hargie Ganza ng Calamba, Laguna ang nananatiling nakaposisyon sa Ultimate Centerstage sa loob ng dalawang linggo.

Isang panalo na lang ang kailangan niyang makamit upang tanghalin bilang kauna-unahang Bida Kid na pasok sa Centerstage grand finals.

Magtuluy-tuloy kaya si Hargie sa grand finals?

Samantala, panibagong batch ng talented kids ang maglalaban-laban sa kantahan sa ikatlong episode ng kiddie singing competition. Magtutunggali sila upang makatuntong sa inaasam na Centerstage.

Sa Be the Bida round ay magtatapat sina Ken Mangua ng Palawan, baon ang kanyang mga kwento patungkol sa mga buwaya at Rain Barquin ng Caloocan City na magpapakita ng galing niya sa pagso-solve ng Rubik's cube.

Ang ikalawang pares ay ang mga cute na cute na sina Carren Frederiksen, 10, na pambato ng Cebu City at Alexa Laude, 11, na tubong Sto. Tomas, Batangas.

Hindi lang 'yan dahil may special guest na bibisita sa mga bata na kailangan n'yong abangan!

Sino sa apat na Bida Kids ang makakatapat ni Hargie sa last stage ng competition? Makapapasok kaya si Hargie sa grand finals o may bagong batang bibida bilang defending champion?

Alden Richards
Alden Richards

Hosted by Asia's Multimedia star Alden Richards, 'wag magpahuli at gawing Sunday night habit ang Centerstage, 7:40 pm pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Five-year-old Hargie Ganza's version of Whitney Houston's 'I Have Nothing' is on point!

Alden Richards, nakipag-dance showdown sa 'Centerstage' kids?