
Malapit nang mapanood ang isang family drama na pinagtibay ng musika, ang Born to Shine sa Kapuso network. Musika ang magpapatakbo sa istoryang iikot sa mga emosyon, relasyon ng pamilya, at pagtupad ng pangarap.
Pagbibidahan ito nina Zephanie, Michael Sager, Olive May, Manilyn Reynes, Vina Morales, Smokey Manaloto, Tina Paner at Roselle Nava, at idederehe ni Direk Rod Marmol.
Mapapanood din dito ang ilan sa mga bagong singers at actors ng Sparkle na sina Naya Ambi, Mitzi Josh, Gaea Mischa at Miggs Cuaderno.
Sa naganap na story conference nitong Sabado, November 22, ipinahayag nina Zephanie, Michael, at iba pang cast members ang kanilang excitement sa nalalapit na seryeng pagbibidahan nila.
“Hindi siya nagsi-sink in sa 'kin na we're gonna start very soon pero ang masasabi ko lang po ay I'm super excited to work with all of you, sa mga veteran actors po natin, and siyempre sa mga friends ko,” sabi ni Zephanie.
Abangan ang Kapuso drama at musical series na Born To Shine soon sa GMA.