Article Inside Page
Showbiz News
More good reasons to stay home this weekend as GMA brings you a power-packed program lineup.
By MARY LOUISE LIGUNAS
Talagang todo ang bonding tuwing weekend sa power-packed lineup ng GMA.
Simulan ang quality time with family and friends kasama ng mga Dabarkads ng longest-running noontime show on Philippine television, ang Eat Bulaga, simula 11:30 ng umaga.
Sundan ito ng nakakakilabot at nakakakabang Tales of Horror simula 2:30 p.m.
Maki-chika sa only showbiz authority, ang StarTalk, pagsapit ng 3:15 p.m.
Patabain naman ang puso sa mga sorpresa at katuparan ng mga pangarap sa Wish Ko Lang, simula 4:00 p.m.
Samahan din si Mike Enriquez sa pagsiyasat ng iba’t-ibang anomalya sa Imbestigador sa bago nitong time slot na 4:45 p.m. tuwing Sabado.
Pasayahin ang pamilya tuwing Linggo sa isang mini-movie marathon. Abangan ang animated movies pagsapit ng 10:45 a.m., na susundan ng Kapuso Movie Festival ng 11:45 a.m.
Panoorin ang pagpapakitang gilas ng iyong favorite Kapuso artists sa Sunday All Stars simula 2:00 p.m.
I-enjoy naman ang iba’t-ibang movies, concerts at special events sa mas pinaagang time slot ng SNBO na 10:45 p.m.