GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2 0, housemates
Courtesy: GMA, ABS CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

New Year's ball ng 'PBB 2.0' housemates, kinakiligan

By EJ Chua
Published January 2, 2026 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Show cause order issued vs vehicle owner, driver in gun toting incident in CDO
Calamities that hit Western Visayas, NegOcc in 2025
Catriona Gray calls for donations for NGO to celebrate her birthday

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2 0, housemates


Napuno ng kilig vibes ang Bahay Ni Kuya sa New Year's ball ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemates.

Naganap na ang New Year's ball ng mga Kabataang Pinoy housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sa recent episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nasaksihan na ang ilang mga eksena rito na talaga namang kinakiligan at pinag-usapan ng viewers.

Ipinasilip sa teleserye ng totoong buhay ang paghihintay ng male housemates sa tila magical entrance ng kanilang mga napiling ka-date sa ball.

Talaga namang level up na excitement at kilig ang natunghayan dito lalo na't magkaka-date sa event ang housemates na isini-ship ng fans at netizens.

Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Kabilang sa inabangan at kinakiligan dito ay ang tambalan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales na kilala sa tawag na CapHeath/CapEath.

Marami ring fans ang napasaya ng FredCess (Fred Moser and Princess Aliyah), AshRave (Ashley Sarmiento and Rave Victoria), LelQuin (Lella Ford and Joaquin Arce), KrysTon (Krystal Mejes and Anton Vinzon), at iba pa.

Bukod sa pagsayaw, parte rin ng program ang isa-isang paglalahad ng housemates ng one word na gusto nilang panghawakan sa bagong taon.

Abangan pa ang susunod na pasilip sa mga kaganapan sa New Year's ball na tinawag ni Big Brother na Kislap.

Huwag palampasin ang updates, twists, at mga sorpresa sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.