GMA Logo jess martinez
What's Hot

Newbie Jess Martinez recalls acting scene Carmina Villarroel: 'Talagang nanginginig po ako'

By Nherz Almo
Published June 3, 2025 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

jess martinez


Jess Martinez builds a relationship with 'Sanggang Dikit FR' cast.

Madali na raw para sa baguhang si Jess Martinez ang maging kumportable sa set ng upcoming series na Sangggang Dikit FR, na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ayon kay Jess, malaking tulong ang pakakaroon nila ng gun training para magkakilanlan siya at co-stars niya sa naturang GMA Prime series.

“Super comfortable po ako. Kasi prior to tapings, we had two days training. Doon pa lang sa training na yun, nakabuo na kami ng friendship,” sabi ng dalagang actress sa ginanap na pocket interview with entertainment media, kasama ang GMANetwork.com, kamakailan.

Dagdag pa raw rito na ang ilang co-actors niya ay nakatrabaho na rin niya sa dating hit GMA Afternoon Prime Series na Abot-Kamay na Pangarap.

“Along with that, yung mga cast din po kasi, same cast with the Abot-Kamay na Pangarap. Like, sina Kuya Jon Vic [De Guzman], Kuya Allen Dizon, so talagang mas naging comfortable din po ako.”

Nagulat ang press nang banggitin ni Jess na ang ginawa nilang gun training ay sa ilalim pala ng kumpanya ng kanyang mga magulang. Kaya naman mas kumportable ang kanyang naging pakiramdam nang gawin nila ito.

Isa sa mga pulis ang karakter na gagampanan ni Jess sa Sanggang Dikit FR.

“At the same time, while doing the training… Kasi, yung training po is yung sa company namin kaya mas kampante ako while doing the training kasi ate ko mismo yung nagtuturo,” paglalahad niya.

A post shared by Jess Martinez (@__itsurjess)

Pagkatapos ay pinuri niya ang mga bida ng pelikula na naging maganda umano ang pakikitungo sa kanila.

Aniya, “Super duper bait talaga nila Ms. Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo kaya mas mabilis akong naka-react.”

Dahil sa kanyang ibinahagi, biniro ng press si Jess na dapat maging maingat ang boys sa kanya dahil marunong siyang humawak ng baril.

Natatawang sagot niya, “Hindi ko naman pong masasabing magaling, but I'm quite knowledgable when it comes to guns.”

Related gallery: What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon

Bago ang Sanggang Dikit FR, naging bahagi si Jess ng Abot-Kamay na Pangarap. Dito ay gumanap siya bilang si Diwata, pamangking karakter ni Wilma Doesnt na si Josa.

Hindi-hindi raw niya ito malilimutan dahil sa apat na buwang nakasama siya rito ay marami siyang aral na napulot pagdating sa pag-arte.

Isa na rito ang madalas na ipinapaalala sa kanya ni Wilma. Kuwento niya, “Whenever nagkakamali ako, she would tell me kung saan ako nagkamali. Kasi, meron din akong mannerism na parang ngumunguso ako kapag kabado, so sinasabihan niya ako na, 'Oy, ngumunguso ka na naman, pangit tingnan sa screen.' So, she would help me out.”

Pero ang pinaka-memorable daw sa kanya ay ang unang sabak niya sa serye, kung saan kaeksena niya ang isa sa mga bidang si Carmina Villarroel.

“Talagang nanginginig po ako noon,” pag-alala ni Jess. “Isa lang ang line ko noon, if I remember it right, 'Hi, I'm Diwata, Diwa for short.' Pero yung linya lang na yun, talagang kabado ako one hundred time. Sabi ko pa sa utak ko, 'Oh my God, dapat hindi ka magkamali kasi ang kasama mo rito si Ms. Carmina. Baguhan ka, nakakahiya kung magkamali ka.'”

A post shared by Jess Martinez (@__itsurjess)

Habang tumatagal sa serye, naiipon daw ang mga natutunan niya para mas mapabuti pa ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

“Natutuhan ko roon, dapat mabilis ka talaga mag-catch up, presence of mind. Kasi, parang yung binigay na script sa 'yo, wala pa ring assurance na yun ang magiging linya mo kasi puwedeng baguhin o puwedeng tanggaling. So, dapat you're always in the moment, yun ang natutunan ko talaga when it comes to acting,” paglalahad niya.

Malaki rin daw ang kaibahan ng mga aral na makukuha sa workshop at sa mismong set.

Kuwento niya, “Kasi, when I did my workshop, hindi ganun kabilis yung process. Parang bibigyan kami ng one week at saka kami ipapag-acting. Pero doon [sa set], yun na pala yung reality na kailangang mabilis ko. At the same time, hindi rin naturo sa workshop yung camera angle.

“Then doon, while on the set, hindi na siya tinuturo, dapat you know the camera. Dapat alam mo each of the camera, yun ang natutuhan ko roon.”

Sa huli, sinabi ni Jess na mahalaga rin na mag-observa kapag nasa set, “Kasi, at the end of the day, ikaw lang yung makakatulong at makakapagturo sa sarili mo. Hindi mo naman puwedeng tanungin ang lahat ng bagay. You need to be observant and i-apply yung mga learnings mo right away.”