GMA Logo Mitzi Josh
What's Hot

Newbie Kapuso Mitzi Josh shares her inspiration to join showbiz

By Maine Aquino
Published July 5, 2021 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Mitzi Josh


Alamin ang inspirasyon ng bagong Kapuso performer na si Mitzi Josh.

Isa si Mitzi Josh sa mga bagong talented young Kapuso stars na parte ng FYP o Fresh Young Peeps ng All-Out Sundays.

Bago pa man i-launch sina Mitzi at iba pa niyang kasamahan na sina Pamela Prinster, Brianna, Sandro Muhlach, at Gabrielle Hahn, humarap na sila sa entertainment writers para ipakilala ang bawat isa.

Mitzi Josh

Photo source: @mitzijosh

Ayon kay Mitzi siya ay nagmula sa pamilyang mahilig mag-perform, kaya nakuha niya rin ang talento sa pagkanta.

"I grew up in a musically inclined family. Mostly on father's side lahat sila talaga kumakanta."

Dahil sa husay nito sa pagkanta, nais raw ni Mitzi na ibahagi ang kaniyang tinig sa mga Kapuso viewers.

"I want to bring music or to show what I can bring to the music industry po."

Aminado naman si Mitzi na mahirap ang kaniyang landas na tatahakin bilang bagong artista sa industriya.

"Sobrang hirap umangat and sobrang hirap nga po makapasok what more umangat pa po kasama 'yung ibang other stars.

Pero para sa teen Kapuso talent, gagawin niya ang lahat para mapakita ang kaniyang galing sa mga manonood.

"Ever since I was a child, ito na po talaga 'yung dream ko. I invested a lot of effort and time para i-improve and to be ready sa mga ibibigay po sa akin.

Dugtong pa ni Mitzi excited na rin siyang matuto ng iba't ibang mga bagay sa showbiz.

"I am super excited and very much willing to learn and to try different things which are like doon lang po sa comfort zone ko which is singing.

"I would also like to try acting and dancing, kumbaga 'yung bago sa akin. Ako po kasi 'yung type of person na sobrang hilig na mag-explore and matuto ng ibang mga bagay pa."

Abangan si Mitzi at iba pang new Kapuso stars sa Fresh Young Peeps segment ng All-Out Sundays.

Kilalanin ang iba pang bagong mga talents ng GMA Artist Center sa gallery na ito: