GMA Logo Start Up Ph
What's on TV

Newly released 'Start-Up Ph' teaser boosts excitement for series; earns praise from netizens

By EJ Chua
Published August 18, 2022 10:41 AM PHT
Updated August 29, 2022 9:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Start Up Ph


Netizens express excitement and approval for GMA drama series 'Start-Up Ph.'

Hindi maikakaila na napakaraming netizens ang hindi na makapaghintay sa upcoming GMA drama series na Start-Up Ph.

Sa unang teaser na ipinalabas ng GMA Network kagabi, August 18, ramdam na ramdam na ang excitement ng netizens para sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up.

Ipinasilip dito ang ilang nakakakilig na eksena ng lead stars na dapat abangan ng mga manonood.

Bukod sa ito ang first-ever adaptation ng naturang Korean drama series, ito rin ang kauna-unahang serye na pagtatambalan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards at multi-awarded actress na si Bea Alonzo.

Ang 30-seconder teaser ng Start-Up Ph ay umani ng papuri mula sa netizens at karamihan sa kanila ay ipinahayag ang kanilang excitement para sa bagong Kapuso loveteam.

Sa katunayan, ang ilan ay naramdaman na raw agad ang chemistry sa pagitan nina Alden at Bea nang mapanood ang unang teaser ng serye.

Mapapanood si Alden sa Philippine adaptation ng Start-Up bilang si Tristan “Good boy” Hernandez (Han Ji-pyeong), samantalang si Bea naman ay gaganap bilang si Danica “Dani” Sison (Seo Dal-mi).

Bukod sa dalawang nabanggit na lead stars, pagbibidahan din ito ng award-winning actors at Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

Abangan ang Start-Up Ph, ang bagong programa ng GMA-7 na tiyak na magdadala ng kilig at inspirasyon sa mga Kapuso gabi-gabi, mapapanood na ngayong Setyembre, sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: