GMA Logo Rocco Nacino
Courtesy: nacinorocco (IG)
What's Hot

Rocco Nacino, na-scam noon; nakaka-relate sa tema ng 'The Missing Husband'

By EJ Chua
Published April 13, 2023 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


'The Missing Husband' lead actor na si Rocco Nacino, inaming minsan na siyang naging biktima ng isang investment scam.

Ang aktor na si Rocco Nacino ay mapapanood ngayong 2023 sa mystery drama series na The Missing Husband.

Mapapanood siya sa pangmalakasang drama bilang bida kasama ang aktres at kapwa StarStruck alum na si Yasmien Kurdi.

Gaganap siya rito bilang si Anton Rosales, ang partner ni Millie (Yasmien Kurdi) na kalaunan ay maiipit sa isang magulong sitwasyon nang dahil sa isang scam.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Rocco na nakaka-relate siya sa tema ng kanyang bagong seryeng pagbibidahan.

Inamin niyang naranasan na rin niyang maging biktima ng scam sa totoong buhay.

Pagbabahagi ng aktor, “Na-scam [ako], sinabi sa akin, palalaguin natin 'yung pera mo, nakinig naman ako, sulat akong tseke. Then, 3 weeks after, hindi ko na siya ma-contact. Pagkatapos nalaman ko… itong dating kaibigan ko eh gawain na pala niya 'yun.”

Kasunod nito, binanggit niya kung gaano kalaking halaga ang nawala sa kanya nang mabiktima siya ng naturang maling gawain.

Ayon kay Rocco, “Siguro 6 digits… so masakit na masakit para sa akin pero pagkatapos noon, wala na akong magagawa. Sabi ko sa sarili ko, lesson learned, alam ko na kung ano ang hindi dapat gawin at dapat gawin sa susunod na investment ko.”

Mapapanood sa serye ang ilang scam-related issues na pagdadaanan at kasasangkutan ng iba pang karakter sa programa.

Bukod kina Rocco at Yasmien, mapapanood din sa mystery drama series sina Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.

Samantala, sagutan at silipin ang poll sa ibaba:

SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: