GMA Logo Mavy Legaspi Kyline Alcantara
What's Hot

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, makabuluhan ang naging paggunita sa nagdaang Holy Week

By Jimboy Napoles
Published April 14, 2023 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi Kyline Alcantara


Paano nga ba ginunita nina Mvy Legaspi at Kyline Alcantara ang nagdaang Holy Week kasama ang kanilang pamilya?

“It's a week of awakening and realization,” ganito inilarawan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang nagdaang Holy Week kung saan naglaaan sila ng oras upang makipag-bonding sa pamilya at makapag-Visita Iglesia.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Love at First Read lead stars na sina Mavy at Kyline, ibinahagi ng dalawa kung paano nila ginunita ang katatapos lang na Semana Santa.

Kuwento ni Kyline, bumisita siya sa pitong simbahan sa La Union kasama ang kaniyang pamilya, na panata na nila tuwing sasapit ang mga mahal na araw.

Aniya, “It was fun. Unang-una para magbigay ng respect of course kay Jesus Christ, nag-visit kami ng seven churches sa La Union so naghanap talaga kami ng seven churches malaking simbahan man o maliit man, para magawa namin 'yung Visita Iglesia so lagi namin 'yung ginagawa tuwing Holy Week and nag-e-effort talaga kami with my family and then after we went to the beach na.”

Sinulit naman ni Mavy ang kaniyang oras upang makipag-bonding sa kaniyang pamilya, magpahinga, at magdasal.

“Ako, katulad ng sinabi ni Kyline, bonding time with the family, and rest din because kami ni Kyline we're very busy din and its such a beautiful week dahil hindi lang rest [ang ginawa namin] we also gave our praises to Jesus thanking him for all his sacrifices. It's a week of awakening and realization,” ani Mavy.

Samantala, bukod sa kanilang mga brand endorsement, naghahanda na rin ngayon sina Mavy at Kyline para sa kanilang pagbibidahang serye na Love at First Read, na second installment ng Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.

Makakasama ng MavLine sa nasabing series ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan at Kapuso young heartthrobs na sina Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at TikTok stars na sina Gabby, at Kiel Gueco o mas kilala bilang Gueco Twins.

Mapapanood din sa serye ang seasoned actors na sina Jestoni Alarcon, Jackie Lou Blanco, at Maricar de Mesa.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY LEGASPI AT KYLINE ALCANTARA SA GALLERY NA ITO: