GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, ipinakilala ang bagong karakter na pagbibidahan sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published April 14, 2023 6:39 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Makilala si Dingdong Dantes bilang Napoy, isang delivery rider, sa murder mystery drama na 'Royal Blood.'

Kaabang-abang ang pagbabalik-teleserye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood.

Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras, naka-mullet at blond highlights na humarap si Dingdong at excited na ipinakilala si Napoy, ang bagong karakter na pagbibidahan niya sa Royal Blood.

"Parte 'yan sa pagbuo ng isang character, kailangan talaga," sabi ng aktor sa bagong look. "Isa siyang delivery rider. Mahal siya ng mga tao sa kapaligiran niya. Tapos may anak siyang isang napaka-cute na babae at makikilala niya 'yung tatay niya na mayaman pala."

Si Napoy ay isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon -- si Gustavo Royales, na gagampanan ng multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III.

Noong Miyerkules, April 12, nagsimula na ang taping ng Royal Blood kung saan agad na nakaeksena ni Dingdong sina Rabiya Mateo, Benjie Paras, John Feir, at Arthur Solinap.

"Napakasaya kasi si Kuya Benjie nakatrabaho ko na at happy ako to be with him again. Syempre si John Feir, si Arthur mula Encantadia days pa, mga 15 years ago, and of course, si Rabiya first time kong nakasama ngayon," ani ni Dingdong.

Kasama rin sa star-studded cast sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos.

Ngayong abala na muli si Dingdong sa taping, paano kaya niya hinahati ang oras sa pagiging host din ng ilang mga programa ng GMA tulad ng Family Feud at ng upcoming show na The Voice Generations?

"May kanya-kanyang araw. Basta 'wag silang mag-alala 'yung mga pinapanood nila, mananatili 'yan and madadagdagan pa," dagdag ng aktor.

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: