
Puno ng pasasalamat si Beauty Gonzalez dahil sa magkakasunod na projects at magandang career niya bilang Kapuso star.
Inilahad ito ni Beauty nang ipinakilala siya bilang first celebrity endorser ng Hey Pretty Skin ngayong Biyernes, April 14.
Ayon kay Beauty ay nagpapasalamat siya hindi lamang sa GMA Network kung hindi pati na rin sa suporta ng kaniyang pamilya.
"I've been doing a lot of projects with GMA continuously, I am so thankful. My family, full support."
Saad pa ni Beauty na dati ay pinapangarap niya lamang ang magkaroon ng sunod-sunod na mga proyekto. Kaya naman nagpapasalamat siya sa GMA Network dahil sa natupad ito nang siya ay maging Kapuso.
PHOTO SOURCE: @beauty_gonzalez
Si Beauty ay naging Kapuso noong June 2021.
"Sobrang thankful po. Sobrang happy. Ito po 'yung pinapangarap ko dati now it's finally happening, it's continuously happening I am so thankful with GMA for giving me these beautiful stories to showcase my acting," aniya.
Dagdag pa ng aktres ang pasasalamat niya sa pagkakataong makatrabaho ang ilan sa mga mahuhusay na Kapuso actors and actresses. Inilahad pa niya na excited na rin siya sa proyekto nila nina Gabby Concepcion at Carla Abellana na Stolen Life.
"To work with pioneers of GMA from Dingdong Dantes, now I'll have a project with Gabby Concepcion and Carla Abellana coming out soon, Stolen Life. I am very thankful for them kasi tuloy tuloy ang suportang ibinibigay nila sa akin."
Mapapanood si Beauty soon bilang si Farrah sa Stolen Life. Ang Stolen Life ay sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng at mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula July 3.