
Kasalukuyang abala sina Julia Montes at Alden Richards para sa kanilang kauna-unahang pelikula na Five Break-ups and a Romance.
Kaugnay ng katatapos lang na movie reveal, ibinahagi nina Julia at Alden kung ano ang first impression nila sa isa't isa.
Unang nagbigay ng pahayag ang Asia's Multimedia Star na si Alden.
Aniya, “Before working with Julia, alam mo 'yun, parang she seems to be a very strong woman. Parang she knows what she wants, parang may ganun akong impression of her. Pero ngayon, nung nakilala ko siya, parang with all those traits, pero sa mabuting paraan.”
Inilarawan din ng aktor na kahit ilang beses pa lang silang nagkakasama sa shoot, masasabi niyang madali raw katrabaho ang tinaguriang ABS-CBN's Daytime Drama Queen na si Julia.
Pahayag ni Alden, “So ganun talaga, e. You don't really get to judge people unless you get to be with them, you get to work with them. And si Julia, yung unang meeting pa lang, masasabi ko nang madaling katrabaho. That's what I told the team.”
Sabi pa ng aktor, excited siya tuwing magkikita sila sa set ng kanilang proyekto.
“Actually kahit sa team ko, sinasabi ko, nung first meeting namin, lalo akong na-e-excite everytime that we see each other for the movie,” kwento niya.
Dagdag pa ni Alden, “May ganung vibe si Julia sa akin. That's why ibinabalik ko lang sa kanya. And parang 'pag kasama ko si Julia, it feels like I can be my raw self."
Kasunod nito, ibinahagi naman ni Julia kung ano ang pagkakakilala niya noon pa kay Alden.
Sabi niya, “Sa akin, 'pag napapanood ko kasi siya, may vibe na siya sa akin na mabait talaga siya.”
Ayon kay Julia, nang makatrabaho na niya ang aktor ay mayroon siyang napatunayan.
Pagbabahagi ng aktres, “Na-prove niya sa akin na 'yung ine-expect ko, more than. And kaya siya nandito ngayon as Alden Richards, because ganyan siya… “Yung real Alden kasi, yun ang hindi pa natin nakikita. 'Yun ang nakita ko naman, na-bless ako na na-share 'yun sa akin ni Alden. Doon ako na-amaze na kaya pala siya ganyan.”
Abangan ang unang pagtatambal nina Julia at Alden sa Five Break-ups and a Romance, ngayong 2023 na.
SAMANTALA, KILALANIN ANG AWARD-WINNING ACTRESS NA SI JULIA MONTES SA GALLERY SA IBABA: