GMA Logo Ken Chan
SOURCE: @akosikenchan (IG)
What's Hot

Ken Chan, nagbigay ng tips para sa mga gustong maging artista

By Abbygael Hilario
Published April 26, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Sugod na sa mga sinehan at panoorin ang first solo film ng Kapuso actor na si Ken Chan, ang 'Papa Mascot.'

Simula ngayong Miyerkules (April 26), showing na sa mga sinehan sa buong bansa ang first solo film ng Sparkle star na si Ken Chan, ang Papa Mascot. ()

Sa naturang pelikula, ginagampanan ni Ken ang karakter ni Nico, isang lalaking nagpakaama sa kanyang hindi tunay na anak.

Unang araw pa lang ay talagang inulan na ng papuri ang Kapuso actor dahil sa kanyang ipinamalas na husay pagdating sa pag-arte.

Ani ng isang netizen na nakapanood ng pelikula, "It's a very good movie. Nakakaiyak ang love ni Ken para sa kanyang anak. Ang gagaling ng cast."

A post shared by Wide International Film Productions (@wide_international)

Samantala, sa ginanap na media conference para kay Ken, nag-iwan ng ilang payo ang aktor para sa mga taong nais pasukin ang mundo ng pagiging isang artista na natutunan niya mismo mula sa Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

"Unang-una huwag kang umasa na sisikat ka. Bonus na lang kung sisikat ka pa pero 'pag artista ka, pumasok ka sa industriya na ito because gusto mong maka-inspire ng mga tao. Gusto mong ipakita 'yung passion mo sa pag-arte," paliwanag niya.

Binanggit din ni Ken ang kanyang sikreto para tumagal sa industriya ng showbiz.

"Second tip, mahalin mo ang trabaho mo at mahalin mo ang mga katrabaho mo. Iyan ang isa sa mga sikreto para magkaroon ng mahabang buhay dito sa industriya natin. Magaling ka nga na artista, na aktor pero hindi maganda 'yung pakikisama mo sa mga katrabaho mo, hindi ka magtatagumpay din," saad niya.

Dagdag niya pa, "Number three, magtipid. Kailangan mong magtipid at mag-ipon kasi ayan din yung sinabi sa akin ng mga magulang ko at ni tita Gloria Romero."

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Kabilang din sa cast ng Papa Mascot sina Miles Ocampo, Liza Diño, Gabby Eigenmann, at Erin Espiritu.

SILIPIN ANG HIGHLIGHTS MULA SA RED CARPET PREMIERE NG PAPA MASCOT SA GALLERY NA ITO: