
Kasunod ng success ng kanilang FiLay loveteam sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, tiyak na kilig overload na naman ang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa unang pelikula na pagsasamahan nila, ang That Kind of Love.
Ayon sa interview ng dalawang Sparkle stars kay Nelson Canlas sa Chika Minute para sa 24 Oras, ibang Barbie at David daw ang mapapanood sa kanilang pelikula.
“It's a rom-com, pero ibang David and Barbie 'yung makikita niyo. Totally different from our previous projects. 'Yung Heartful Cafe, 'yung Mano Po, and definitely, different from Fidel and Klay,” sabi ni Barbie.
Dagdag pa ng aktres, “I think the goal of this film is really to make the audience feel in love.”
Bukod sa unang pagsasama nila sa isang pelikula, ire-release din ito sa ibang bansa, na ikina-excite naman ng dalawang aktor.
“I'm just really happy that we get to do this film and makita siya globally. It's time for the Philippines to actually make a movie and be shown all over the world,” kuwento ni David.
“For me to be part of this, na it's gonna be shown globally, I'm very, very excited,” dagdag pa nito.
Bukod sa Pilipinas, kukunan din ang ilang eksena ng pelikula sa ibang bansa, ngunit hindi muna sinasabi nina Barbie at David kung saan.
Ang tanging clue lang na ibinigay ng aktres, “Paborito ko 'yung pagkain dun e so I really am looking forward [to it].”
Matapos ang serye nila kung saan bumida si Barbie bilang Klay at si David bilang Fidel ay nagkaroon pa ng isang proyekto ang dalawa sa Daig Kayo ng Lola Ko, bago sila nagbakasyon para sa holy week.
Nang tanungin si David kung namiss ba niya si Barbie, “Of course I missed her.”
“Kasi medyo madalas kami magsama before. This time I'm with her again and I think the following days we're gonna be together so 'di ko na siya mami-miss,” paliwanag ng Pambansang Ginoo sabay ngiti.
SWEETEST MOMENTS NINA DAVID AT BARBIE SA FILAY THANKSGIVING DAY SA GALLERY NA ITO: