GMA Logo beauty gonzalez and raphael landicho
What's Hot

Beauty Gonzalez, may mamahaling regalo kay Raphael Landicho

By Jansen Ramos
Published May 1, 2023 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzalez and raphael landicho


Biro ni Beauty Gonzalez, pang-bribe niya ito sa child actor at 'Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis' co-star niyang si Raphael Landicho.

Nagsimula nang mag-taping ang upcoming GMA action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis ngayong Lunes, May 1.

Sumabak agad sa taping ang mga bida ng serye na sina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Beauty Gonzalez, at iba pang cast members tulad nina Raphael Landicho, Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Angel Leighton, at Diego Llorico.

Sa first day pa lang ng kanilang taping, nakatanggap na agad ng regalo ang child actor na si Raphael mula sa kanyang nanay sa Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis na si Beauty.

Sa Instagram post ni Rap Rap, ibinahagi niya na binigyan siya ng aktres ng Nintendo Switch hybrid video game console na may kasama pang tatlong video game cartridges habang nasa set ng serye.

"Hello Nay! thank you po sa first day gift taping🥰 super happy ko po❤️ #mamasboy #Happy1stDay #walangmatigasnapulissamatiniknamisis #soonongma," sulat ni Raphael.

Isang post na ibinahagi ni Raphael Landicho (@raphaellandicho)

Biniro naman ni Beauty si Raphael na isa itong pang-bribe. "Basta 'pag nakita mo si Papa May kausap ibang chicks report mo ka agad sa akin anak ha," komento ng aktres sa post ng child star na parte rin ng Voltes V: Legacy.

Samantala, nag-post din si Maey ng ilang larawan mula sa kanilang unang araw ng taping.

"So much fun, 💯percent energy and stage presence 😂

"Thank you God for our job! #HappyLaborDay #LaborDay #LaborDay2023☝🏼," sabi ng komedyante.

Isang post na ibinahagi ni maeybautista (@maeybautista)

Bibida rin sa Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis si Max Collins.

Parte rin ng bagong serye sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Ronnie Ricketts, ER Ejercito, at Dennis Marasigan.

Samantala, kamakailan ay sumailalim ang ilang cast members ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis sa isang gun training, kung saan tinuruan sila ng PNP Special Action Force ng tamang paggamit ng firearm at sumabak din sa gun firing, bilang paghahanda para sa kanilang mga karakter sa nasabing programa.

Ito rin ay preparasyon para sa mga maaksyong eksena na mapapanood sa upcoming Kapuso series.

Kabilang sa mga sumailalim sa gun training sina Beauty Gonzalez, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Angel Leighton, at Niño Muhlach.

TINGNANG ANG KANILANG MGA LARAWAN: