
Tampok sina Sparkle stars Elijah Alejo at Bruce Roeland sa pilot episode ng “Summer Sparkle” sa 24 Oras kahapon, May 1.
Ang "Summer Sparkle" ay ang summer special features ng GMA tampok ang iba't ibang tourist destinations kasama ang ilang Sparkle artists.
Sa pilot episode, nagtungo ang dalawang Kapuso stars sa San Rafael, Bulacan, kung saan sila ay nag-hiking sa tinaguriang “Hidden Mountain of Bulacan,” ang Mount Secret. Ang Mount Secret ay isang beginner-friendly na bundok, na mayroong taas na 376 meters above sea level.
Ibinahagi naman ni Mel Malvar, municipal tourism officer ng San Rafael, Bulacan, kung bakit Mount Secret ang tinawag sa nasabing bundok. Aniya, “Tinawag itong Mount Secret kasi unang-una, dahil dun sa marami siyang sikretong lagusan, maraming daanan.”
Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating na sina Elijah at Bruce sa summit ng Mount Secret sa tulong ng kanilang tour guide.
“Pagdating mo roon sa pinakatuktok, makikita mo na worth it lahat,” pagbabahagi ni Bruce.
Dagdag pa ni Elijah, “Ipinakita sa amin na lahat ng magagandang bagay is mayroon talagang paghihirap.”
Bukod sa kanilang hiking adventure, binisita at nag-enjoy din sina Elijah at Bruce sa Malangaan Spring at tinikman pa ang iba't ibang kakanin ng San Rafael, Bulacan.
Samantala, kasalukuyang mapapanood si Elijah sa coming-of-age drama series na Underage, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime, Kapuso Stream, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, TIGNAN ANG HOTTEST SUMMER PHOTOS NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO.