GMA Logo My Dear Donovan
What's Hot

Abangan ang Lakorn romance drama na 'My Dear Donovan,' sa GMA

By Kristian Eric Javier
Published May 3, 2023 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

My Dear Donovan


Subaybayan ang Lakorn romance drama na 'My Dear Donovan' sa GMA, simula May 15.

Mapapanood na sa GMA ang bagong Lakorn series na tiyak na kakikiligan mga Kapuso! Simula May 15, mapapanood na ang My Dear Donovan.

Saksihan ang buhay ni Donovan (Luke Ishikawa Plowden), isang American model na tutungo sa Thailand para hanapin ang isang babaeng malapit sa kanyang puso. Sa kanyang paghahanap, tutulungan siya ng isang kindergarten teacher na si Pam (Tipnaree Weerawatnodom), ang tatayong interpreter niya sa bansa.

Samantala, kahit isang kindergarten teacher ay tinanggap ni Pam ang pagiging interpreter ng masungit at pasaway na si Donovan. Ito ay para kumita ng extra para sa nalalapit na kaarawan ng kanyang lolo.

Ngunit sa isang iglap, nagkasakit ang lolo ni Pam at kinakailangan maoperahan, kaya inalok siya ni Donovan na maging manager nito. Dito na magsisimulang maging malapit ang dalawa na siyang magiging dahilan ng pagkakadawit ng dalaga sa personal at propesyonal na mga problema ng binata.

Mahahanap ba ni Donovan ang babaeng dahilan ng pagpunta niya sa Thailand? Saan naman hahantong ang relasyon nila ni Pam?

Abangan sa My Dear Donovan, May 15, 9 to 9:30 a.m. sa GMA.