GMA Logo Emil Sumangil
What's Hot

Emil Sumangil, masaya sa pagiging bahagi ng 'Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso' ng GMA Public Affairs

By Dianne Mariano
Published May 3, 2023 10:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Emil Sumangil


Ang batikang mamamahayag at tinaguriang “Mr. Exclusive” na si Emil Sumangil ang host ng multi-platform public service ng GMA Public Affairs na 'Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso.'

Simula ngayong Linggo (May 7), mapapanood na ang multi-platform public service ng GMA Public Affairs, ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso.

Ang batikang mamamahayag at tinaguriang “Mr. Exclusive” na si Emil Sumangil ang magsisilbing host ng naturang programa.

Idinaos ngayong Miyerkules (May 3) ang media conference para sa Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso sa B Hotel sa Quezon City. Labis ang tuwa at pasasalamat ng GMA Public Affairs host para sa bagong oportunidad na ipinagkaloob sa kanya.

PHOTO COURTESY: GMA Network

“Nag-uumapaw at hindi ko maipaliwanag hanggang sa ngayon 'yung tuwa at ligaya. Unang-una sa grasya ng Diyos. Pangalawa, sa tiwala na ibinigay ng opisina natin para pangunahan ang pinakabagong public service program ng GMA Network. Ano ang gagawin kong sukli? Gagawin ko ang aking papel. Public service. Walang pansariling interes,” pagbabahagi niya sa interview ng GMANetwork.com.

Ayon kay Emil, para sa programang ito ay personal siyang sasama sa field para sa pagtugon sa mga reklamo at hinaing ng mga mamamayang Pilipino. Ayon pa sa kanya, makikipagtulungan din siya sa mga ahensya ng gobyerno upang maaksyunan ang mga problemang kinakaharap ng ating mga kababayan.

Aniya, “Hindi lang tayo straight newscast ngayon. Makikita niyo po ako na sasama sa mga tinatawag nilang police operation, sa fieldwork para tugunan ang hinaing ng ating mga kababayan. Ako mismo ang mag-e-endorso at lalapit sa mga government agencies para sila mismo, ma-feel nila hindi sila nag-iisa sa kanilang problema. Nandyan ang Resibo, ang ating programa."

Ang layunin ng Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso ay ang pagbibigay-daan para mapakinggan ang mga reklamo at hinaing ng ating mga kababayan, ibunyag ang mga ilegal at maling gawain, at lapatan ng agarang aksyon ang mga problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga konkretong solusyon sa mga nararanasan ng mga mamamayang Pilipino, sa loob o labas man ng ating bansa.

Abangan ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso tuwing Linggo simula May 7, 5 p.m., sa GMA, GTV, at Super Radyo DZBB. Mapapanood din ito via livestream sa official Facebook page, Youtube channel, at TikTok account ng GMA Public Affairs.