
Kabilang sina Sophie Albert at Joross Gamboa sa mga aktor na mapapanood sa upcoming mystery drama series na The Missing Husband.
Sa latest interview ng GMANetwork.com kay Sophie, ibinahagi niya kung sino ang madalas na nagpapagaan ng kanilang trabaho habang nasa taping.
Ayon sa aktres, si Joross daw ang funniest sa set ng The Missing Husband.
Pahayag ni Sophie, “Si Joross, parang lahat ng masabi mo mayroon siyang punch line. So, minsan ang hirap magseryoso kapag kasama si Joross.”
Bago pa ito, inilarawan ng aktres bilang isang "very happy set" ang kaniyang kinabibilangan.
Nakadagdag pa raw dito ang pagiging chill ng kanilang direktor na si Direk Mark Reyes.
Panoorin ang online exclusive video na ito:
Bukod kina Sophie at Joross, mapapanood din sa pangmalakasang drama series sina Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Jak Roberto, Nadine Samonte, at marami pang iba.
Abangan ang karakter nina Sophie at Joross sa upcoming series, mapapanood na ngayong 2023 sa GMA Afternoon Prime.
SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: