GMA Logo Megan Young
What's on TV

Mikael Daez at Megan Young, magsasama sa murder mystery drama na 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published May 5, 2023 7:15 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young


Kabilang sa cast ng 'Royal Blood' ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young

Muling magsasama sa iisang serye ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

Sa interview ng GMANetwork.com, ikinuwento nina Mikael at Megan ang excitement na kapwa mapabilang sa cast ng murder mystery series na Royal Blood.

Ayon kay Megan, noong una ay akala niya na si Mikael lamang ang mapapabilang sa Royal Blood dahil sa aktor lamang unang iprinisinta ang serye. Kaya naman masaya siya para sa asawa. Makalipas ang dalawang buwan ay tinawagan na rin ang aktres para gawin ang role ni Diana sa suspenserye.

"Noong unang in-offer 'yung show sa amin, kaya namin actually tinanggap kasi we knew we were going to be together, and of course we're going to work with such a grand cast. So the first time that they asked we said yes right away and we're really excited na makaka-work namin ang isa't isa ulit after 'The Stepdaughters' which we did in 2018 and 2023 na ulit magkasama na kami," ani ng aktres.

Sabi naman ni Mikael, "Well, honestly I love working with my wife. This is our second teleserye together but the dynamics in the characters are extremely different so I'm very excited to see ano 'yung kalalabasan ng mga eksena namin together."

Sa Royal Blood, makikilala sina Mikael at Megan bilang ang mag-asawang Kristoff at Diana. Isa si Kristoff sa mga anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes).

Challenging para kay Megan ang gagawing show dahil na rin sa isa itong murder mystery series. Aniya, "Pati sa amin may pagka-mysterious din ang mga karakter. Ang flow ng story may pagka-mystery rin sa amin. So I feel like there's always that suspense pati sa amin na inaabangan namin sa kuwento ng 'Royal Blood.'"

Dagdag ng aktres, kaabang-abang din para sa kaniya ang karakter na gagampanan sa serye.

"Ang puwede nilang abangan sa akin o sa karakter ko na si Diana ay kung paano niya itu-twist ang buhay ng iba pang makakasama niya rito sa pamilya niya, kay Napoy, sa buhay ni Napoy. So mabait ba talaga siya o may hidden agenda, hindi natin alam. Kahit ako hindi ko alam so aabangan ko rin."

Ibinahagi rin ni Mikael ang dapat na abangan ng manonood sa Royal Blood. "We're always getting back doon sa mystery. Aabangan ng viewers kasi kahit kaming mga aktor dito inaabangan namin kung sino nga ba ang killer. Kasi kahit sa amin 'di nila sinasabi. So it's a mystery for everyone watching and it's a mystery for everyone acting also."

Makakasama rin nina Mikael at Megan sa star-studded cast ng Royal Blood sina Rhian Ramos, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, Arthur Solinap, Carmen Sarmiento, at Ces Quesada.

Abangan ang Royal Blood, soon sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA PICTORIAL NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: