
Nagkakalat ngayon sa Tiktok ang mga video ng mga UFO o unidentified flying object. Ito ay base sa posts ng netizens na nakakuha ng mga kahinahinalang ilaw o bagay sa kalangitan.
Matagal ng may mga ganitong pangyayari na nakikita sa buong bansa. Pero sa panahon ngayon, mas napapadalas ang mga sighting ng mga UFO sa iba't ibang sulok ng bansa gaya na lang ng namataan sa Calamba, Laguna.
Sa videos na in-upload ni @jayzvlogs sa TikTok, hindi isa, kundi dalawa ang umano'y nakita niyang UFO sa probinsya.
Ayon sa TikTok user, hindi rin siya makapaniwala sa kakaibang napansin niya sa kalangitan habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo.
@jayzvlogs Replying to @princejr962 ♬ For movie / picture / action / suspense - G-axis sound music
@jayzvlogs Replying to @jhonvincentluchan eto na yung part 3 guys! 0.25x slow mo. Mas mabagal na to ng tatlong beses. Sana makita niyo na #UFO #ALIEN #ET ♬ For movie / picture / action / suspense - G-axis sound music
Maraming mga espekulasyon o haka-haka tungkol dito.
Una, ang Pilipinas daw ay isa sa mga landing sites ng mga alien dahil sa pagiging archipelago ng bansa. Ang hiwa-hiwalay na isla ay mas epektibo para hindi madaling makita o matunton ang mga sasakyang pangkalawakan o spaceships na ginagamit nila.
Pangalawa, puntahan ng mga UFO ang Pilipinas dahil sa mga ginto na nakadeposito sa mga lupain ng bansa. Noon pa man ay sinasabi na maraming deposito ng ginto ang Pilipinas. Ang ginto ay isa sa mga pinakikinabangang mineral sa mundo at maaari ay sa buong kalawakan.
Pangatlo, nandito ang mga UFO para sakupin ang Pilipinas. Dahil sa maliit na bansa lamang ang Pilipinas at isang third world country, pinakamadaling gawin ito sa mga bansang tulad nito kapag nagsagawa ng pagsakop ang mga alien.
Ang ilan pa sa mga UFO sighting ay kamakailan lang nangyari.
Sa Tiktok video na ito mula kay @documentingcreepy, nakunan ang tila isang liwanag na may buntot. Nangyari ito nito lamang Abril kung kailan namataan ang ilaw sa kalangitan na para bang nagsasayaw bago magkubli sa ulap.
@documentingcreepy #alien #ufo #sightings #documentary #documentingcreepy #trending #foryou #fyp ♬ Terror Crescendo - Apollo Nove
Palutang-lutang naman sa langit ang isang itim na bagay na hugis bilog ang namataan ng TikTok user na si Paolo Angelo L. Palo.
@paoloangelopalo UFO SPOTTED IN PHILIPINES #UFO #philippines ♬ original sound - Paolo Angelo L. Palo
Kung ano man sa mga ito ang dahilan ng muling pagpapakita ng mga UFO sa bansa, iisa lang ang tiyak. May posibilidad na hindi lamang tayo ang natatanging buhay na mga nilalang sa kalawakan.